Sa pagpasok ng bagong taon, hatid ko at dasal ang mensahe ng pag-asa at pangako para sa ating bayan.
Ngayong taong ito, mas pinagtibay natin ang ating pagkakaisa at determinasyon upang isulong ang kapayapaan at kaunlaran para sa bawat Pilipino.
Nakatutok tayo sa pagpapalakas ng ating ekonomiya, pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, pagpapaigting ng serbisyong panlipunan, at higit sa lahat, ang pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsisikap, mas marami pa tayong magagawa para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.
Harinawa, sa pagdaan ng mga araw, linggo, at buwan ng 2024, patuloy nating makita ang mga bunga ng ating dedikasyon at pagsisikap. Nawa’y maging instrumento tayo ng pagbabago at pag-asa sa ating kapwa.
Sa pagkakaisa, walang imposible. Manalig tayo sa ating kakayahan bilang isang bansa na harapin ang anumang hamon at lumago nang magkasama. Kasama ang buong pamahalaan, nakatutok tayo sa paggawa ng mga hakbang na magdadala ng mas magandang bukas para sa ating lahat.
Magpatuloy tayo sa pagtahak sa landas ng pag-unlad at kapayapaan. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!